Pumorma!
Friday, April 25, 2008Whew. Inumaga lang naman ako sa pag-ayos ng template. Waaah. Antok na talaga ‘ko! Ni di na nga ako makapag-ingles eh. Hahaha. =DD
Anyway, konting trivia lang. Yung theme ng bagong skin ko, kung di pa masyadong halata, ay ang kantang Deep Inside Of You ng 90’s band na Third Eye Blind. Isa sila sa mga paborito kong artists for life, at ang kantang ito naman yung pinakapaborito ko mula sa kanila. Ginamit ko sa header yung isa sa mga kuha ko nung Greatest Beach Date Ever. Actually, yan yung tinutukoy kong spot na inupuan ko. Ayun, konting edit gamit ang Ulead PhotoImpact 30-day trial ko (na na-expire pagkatapos kong gawin yan. awww) at voila! Instant emo header. Hahaha! ((:
Green. Masaya ang kulay green. Bukod sa pera (na di ko naman pwedeng i-associate sa ‘kin ngayon), ang green ay para sa new beginnings or fresh starts, ika nga. Kung ano man ang konek nun sa buhay ko at sa buhay niyo, eh kayo na bahalang mag-decide. Haha. At going back sa theme, yung mga header titles sa sidebar ay lyrics ng Deep Inside Of You. Wala lang. Ganyan ako kaarte eh. Dapat ultimo sidebar at blog title sunod sa theme. Bwahaha! =DD
Nga pala, nagdagdag ako ng bagong links na connected sa advocacies ko. You might want to check them out. (Naks, nosebleed!) Hahaha. ((:
Ano pa ba? Hmm. Wala na ‘no? Wala na rin akong maisip eh. Mistula na kasi akong zombie-ng nagta-type. Haha. Ayun, uupdate na lang ako paggising ko. LOL.
Magandang umaga, blogosphere! Cheapsentibox is awtttt!
P.S. Miss ko na talaga ang Blogger. Nakakapagod kasi kalikutin ‘tong i.ph eh. Huhu. Eyebags. ):
Previous Comments
Gee, thanks! Glad you like it. :]
Posted by cheapsentibox at April 26, 2008, 3:08 pmi agree with aika! love your new look, sis!
napakafriendly talaga sa mata ng mga kulay.. pinaghirapan mo talaga, eh, noh.. good job! ^_^ ako naman.. tinatamad na gumawa ng header.. hehe! ok na rin naman sakin yung look nung bahay ko..
ngayon ko lang napansin yung tungkol sa advocacies mo… you’re so amazing talaga! ^_^ my role model!
pano ba sumali sa mga orgs na yan? hehe! it’s really good na you’re starting the good kind of change within yourself… ako rin.. if i’ll be given the chance, i’ll grab it din, as much as possible! sana our generation will be the generation that’ll bring progress and success to our country and promote peace through out the world. naks naman. tama ba yung pinagsasabi ko.. hehe!
TC! God bless!
Wow, thank you, sis! ^_____^ I’m glad you like my new look, too. And yes. Ok na yung bahay mo. I love it as well. (:
Naku naku. Relaaaks, sis! Haha. Well, you can always join and be active sa local or school orgs. Lalo na yung youth-oriented. (: Attending seminars also help a lot kasi nagkaka-ideas ka on how you can help. At ang pinaka-effective sa lahat, I guess, is spreading the word. Kahit mag-post ka lang ng links sa blog mo, it’d mean a lot na. (: Cheers to our generation! (:
Ingat rin ikaw. GOD bless. :*
Posted by cheapsentibox at April 26, 2008, 7:54 pm



ur blogs new face is actually cool!the colors are very friendly to the eyes!
Posted by aika at April 26, 2008, 2:35 pm